Kinang

Kauna-unahang Juniors' Night, Idinaos

Isa na siguro sa pinakamasayang pangyayari sa buhay ng isang estudyante sa sekondarya ay ang makaranas ng makadaupang palad at maisayaw ang kanilang kapareha. Kaya naman dahil sa hiling mga mag-aaral napagbigyan ang kanilang mga hangad na magkaroon ng Junior and Senior Prom o ang tinatawag na J.S. Sa nagpagkasunduan ng mga haligi ng paaralan at ng punongguro, napagdesisyunan na gawin na lamang itong Junior’s Night dahil ang mga estudyanteng lalahok sa nasabing programa ay magmumula lamang sa Grade 9 at 10. Full-force ang bawat mga departamento ng paaralan sa programa sa panguguna ng MAPEH Department na ginanap noong ika-tatlo ng Marso taong 2017.

Ibayong paghahanda ang ginawa ng paaralan para sa miminsang espesyal na kaganapang Junior’s Night Prom. Pinangunahan ni Ginoong Jeffrey Carlos ang pagtuturo ng Cotillon para sa mga piling mag-aaral. Ang pagagayos naman ng entablado ay nagawa sa tulong ng mga guro mula sa English Department. Maraming sponsors na naghandog ng suporta para sa programa, isa na dito ang Mega Soft Hygienic Products at marami pang iba. Naging mahusay naman ang mga mag-aaral sa pagpili ng kanilang mga isusuot kaya naman ang lahat ay magaganda’t gwapo sa pagdating sa programa.

Naging espesyal ang gabi hindi lamang sa mga magkasintahan ngunit sa bawat isang nakilahok dito. Dito ay nagkaroon sila ng pagkakataong hingin ang kamay ng kanilang mga gustong kapareha para sa isang sayaw. Sa kalagitnaan ng programa, nagtanghal ang mga piling magaaral o cotilloners ng kanilang pinaghirapang presentasyon. Sa sayaw ipinamalas ng mga estudyante ang kanlang natatagong talento sa pagsayaw. Hindi lamang ang mga mag-aaral ang natuwa ngunit ang bawat ang mga guro at mga bisita na dumalo sa Junior’s Night Prom.

Naging ulo sa pagpili ng mananalo sa iba’t ibang kategorya si Rev. Father Joel Aguas. Kasama niya sa paghusga sa mga nanalo sila Edward Cabunducan (Mega Soft Hygienic Products representative), Sis. Daisy Jocson (IHMP), Christian Ramirez (Alumni Batch 1999), Ginang Josephine San Jose at Ginang Divina Macas (Social Studies Department Head). Hindi naging madali ang pagpili ng mga hurado dahil halos lahat naman ay nagpakita ng nararapat na bagay upang maging natatangi sa lahat.

Sa huling parte ng programa, itinanghal na Prom King si Monico Asidera (Grade 10-4) at Prom Queen si Chanelle David (Grade 10-7). Face of the Night naman si Jhoy Francisco (Grade 10-7) John Darryl Tabla (10-2). Nakuha naman nila Jerico Napire (Grade 10-7) at Bianca Genciano Guevarra. Itinanghal si Kenneth Abude bilang Mr. Panghulo at Ms. Panghulo naman si Angela Salvador. | John Lincoln M. Cordero, 9-1 | Inilathala Marso 23, 2017 (Ang mga larawan ay kuha ni G. Armando Bernardo)

Early Registration sa Panghulo National High School, Patuloy na Ikinakampanya

Sa nalalapit na pagtatapos ng araw ng pasukan at pagpasok naman ng bakasyon, malawakang ikinakampanya ng Panghulo National High School ang “Early Registration” para sa taong pampaaralan 2017-2018. Sa tulong ng Values Department Head na si Binibining Graze Tabuzo at iba pang mga katuwang nito inilunsad nito ang adikhain na naglalayong abutin ang mga mag-aaral at maging kaagapay ng mga magulang sa paghahanda sa kanilang mga anak sa pagpasok sa eskwelahan.
 
Bagama’t sa Hunyo pa ang aktwal na “enrollment” marami-rami na din ang mga nagpupunta sa paaralan upang magpalista. Halos 80% ang mga mag-aaral inaasaha ng mag-aaral muli sa paaralan pagtapos ng kanilang pagtungtong sa ikapitong baitang dahil sila ay tiyak na enrolled na pagdating nila sa ikawalong baitang. Patuloy din ang kampanya na ito sa Senior High School, sa katunayan ay inaasahan ding lalaki din ang bilang ng mga enrollees dahil sa nakikitanilang progresiboang mga pasilidad at mga kwarto sa paaralang ito. Isa na marahil sa mga dahilan nito ay ang pagtatayong bagong Senior High School Building na may tatlong palapag at sampung kwarto. Isama pa natin dito ang pagdadagdag ng mga equipment sa at Science Laboratory na nakaraan ay opsiyal ng binuksan para sa mga mag-aaral, at maging sa mga kompyuter at makinang gagamitin para sa kursong Animation.
 
Ikinatuwa naman ng mga guro ang pagiging masigasig at pakiki-isa ng mga magulang sa kagawaran. Patuloy pa rinang paaraalan sa pagtanggap ng mga early registrants hanggang sa buwan ng Abril at Mayo. | Franchesca Del Mundo, 10-1 | Inilathala Marso 23, 2017